Limang Taong Hinubog

Limang taon sa Kolehiyo, karanasa’y di malilimutan.

Bawat araw sa tren ng PNR ay nakikipagsapalaran.

Sinisiksik ang katawan sa halagang sampung piso lamang.

Tusok-tusok,unli-lugaw,samalamig, sa paligid ay naglipana.

Panandaliang gutom ay siguradong maiibsan.

Kakulangan sa pasilidad, hindi maitatanggi ng Unibersidad.

Sariling sikap sa paghanap ng upuan sa ibang silid-aralan.

Sa isang parisukat na silid, halos magkapalit ang mukha ng singkwenta.

Tagaktak ang pawis, kanya-kanyang paypay ang bawat isa.

Sa bawat transaksyon, kapalit ay walang sawang pila.

Sungit at pagalit ang kapalit kung di sakto ang ibabayad.

Mata’y tuluyang namulat sa sistema ng edukasyon ng bansa.

Matrikula’y dose pesos per unit lamang, subalit mailap pa rin ang pagtatapos sa iilan.

Limang taong hinulma sa init, sikip, at hirap ng buhay.

Animo’y punlang ngayon ay uusbong na.

Salamat, O Sintang paaralan, sa handog mong karunungan.

Nawa’y maibahagi namin ito sa tulad naming salat sa yaman.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s